Viral na '3-in1' toilet sa PNR station, di nag-iisa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Viral na '3-in1' toilet sa PNR station, di nag-iisa

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2018 09:53 PM PHT
Viral ngayon sa social media ang retrato ng magkakatabing inodoro sa isang palikuran sa istasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa España Boulevard, Maynila.

Sa unang sulyap, mapagkakamalang ordinaryong palikuran lang ito subalit kapansin-pansin ang kawalan ng harang sa pagitan ng mga inodoro.

Pero isa lang ang viral na banyo ng PNR sa marami pang palikuran na hindi natapos ipatayo o ipaayos ng nakaraang administrasyon sa ilalim ng "Kayo Ang Boss Ko" toilet improvement project ng noo'y Department of Transportation and Communications (DOTC).

Nasa halos P300 milyon ang halagang inilaan para maayos at magtayo ng nasa 1,000 palikuran sa mga paliparan, piyer at istasyon ng tren.

Katuwang sa proyekto ang 10 sumusunod na ahensiya:

- Land Transportation Office
- Land Transportation Franchising and Regulatory Board
- Manila International Airport Authority
- Civil Aviation Authority of the Philippines
- Mactan Cebu International Airport
- MRT-3
- Philippine Ports Authority
- Cebu Ports Authority
- Philippine National Railways
- Light Rail Transit Authority

Sa 1,000 palikuran, higit kalahati lang ang natapos sa mga ito hanggang sa kasalukuyan.

Sa datos ng Department of Transportation (DOTr), nakitang 618 lamang ang natapos sa 1,008 na CR na kabilang sa proyekto. On-going naman ang pagtapos sa 111 na banyo at 227 naman ang itinigil na ang paggawa at 52 naman ang tinanggal dahil wala raw itong paglalagyan.

"Tulad po ng mga infrastructure projects, kapag ito'y ini-split at binigay sa iba't ibang contractors, talagang magkakaroon ng iba't ibang problema, pati rin po 'yung quality and workmanship eh hindi na ho magiging maganda," ani Reinier Yebra, undersecretary for legal and procurement ng DOTr.

Sa MRT, 11 palikuran sa higit 60 palikurang itinayo ang iniwang hindi tapos, gaya ng palikuran sa North Avenue Station na para sana sa persons with disabilities, na nakasara dahil hindi pa gawa ang lababo.

Sa LRT-2, may mga palikuran din ang hindi natapos ng contractor tulad ng sa Santolan Station, kaya ang pamunuan na lang ng linya ang nag-ayos nito.

Apat na taon matapos simulan ang proyekto, hindi rin natapos itayo ang ilang palikuran sa Zamboanga International Airport.

Sa ulat ng Commission on Audit noong 2016, pinuna nito na higit kalahati pa lang ang natapos sa target na bilang ng mga palikuran.

Bukod sa hindi maayos na pangangasiwa sa proyekto, nahati-hati pa ang supply ng material at paggawa sa 17 magkakaibang contractor.

Hindi umano magalaw ng DOTr ang proyekto dahil hindi umano ito nai-turn over ng nakaraang administrasyon.

Blacklisted na naman ang mga contractor na sangkot sa proyekto.

"Ngayon habang pinag-aaralan po namin, pananagutin din po namin 'yung dahilan or 'yung responsable sa irregularities ng proyekto, tulad ng pag-split ng kontrata. Pati 'yung mga contractor na nagkamali...sisiguraduhin po namin na makumpleto iyong project," ani Yebra.

Pinag-aaralan na ng DOTr na panagutin ang mga opisyal na sangkot sa proyekto.

Ayon naman sa tagapagsalita ni dating DOTC secretary Jun Abaya, naayos na ang aberya bago pa bumaba sa puwesto ang kalihim noong Hunyo 2016.

"DOTC asked for the help of the Insurance Commission in the recovery of advances paid, imposed liquidated damages on the erring contractors, in addition to initiating the forfeiture of their performance bonds. Some contractors were even blacklisted," ani Atty. Enricka Gonzales.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
palikuran
Kayo Ang Boss Ko
PNR restroom
viral
Department of Transportation
DOTr
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT