2 pulis, 2 iba pa arestado sa pagtitinda umano ng pekeng sigarilyo sa Pampanga
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 pulis, 2 iba pa arestado sa pagtitinda umano ng pekeng sigarilyo sa Pampanga
Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Aug 03, 2018 05:51 PM PHT

SAN SIMON, Pampanga - Arestado ang 2 pulis Maynila, isang kagawad, at isa pang lalaki matapos mahuling nagtitinda ng mga pekeng sigarilyo dito sa bayan, Biyernes.

Kinilala ang mga suspek bilang sina PO1 Jupiter Quizon, PO1 Christian Damian, Marlon Perez, at Kagawad Jonathan Cenia ng Barangay 231, Tondo.

Dinakip ang mga suspek matapos silang abutan ng mga awtoridad na nagtitinda ng mga pekeng sigarilyo sa Barangay Sto. Niño.

Nakuha mula sa grupo ang 3 kahon ng pekeng sigarilyo at 2 9mm pistol na service firearm mula sa Philippine National Police.

Ayon sa Manila Police District, matagal nang hindi pumapasok sa trabaho ng walang karampatang leave sina Quizon at Damian.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.