Lalake binugbog matapos pagbunutan ng kutsilyo ang tanod | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalake binugbog matapos pagbunutan ng kutsilyo ang tanod

ABS-CBN News
Published Aug 02, 2023 08:04 AM PHT

Bugbog ang inabot ng isang lalaki sa mga residente ng Barangay Addition Hills sa Mandaluyong matapos pagbunutan ng kutsilyo ang isang bantay bayan.

Ayon kay P/Captain Antonio Tan Jr.,, hepe ng Mandaluyong Police Sub-Station 2 nakatanggap sila ng tawag hinggil sa nangyaring kaguluhan sa Brgy. Addition Hills.

"'Yung suspek natin na nahulian ng bladed weapon noong mag responde ang aming kapulisan pati ang bantay bayan ng Addition Hill nakita rin sa possession niya itong suspected na shabu.” dagdag ni Captain Tan.

Tinatayang aabot ng 0.30 grams ng pinaghihinalaang shabu ang nakuha sa suspek na si Bricks Bello nang siya’y kapkapan.

Dinala sa Mandaluyong Sub-Station 2 ang suspek at doon nadiskubre na siya’y may kinakaharap na kasong frustrated murder noong Pebrero 27, 2023 makaraang barilin ang isang bantay bayan.

“Doon nag umpisa 'yun kaya siya pinagtulungan bugbugin ng taong bayan. Alam ng taong bayan na siya ang suspek sa tangkang pagpatay sa bantay bayan natin," ani Captain Tan.

Dati na ring nakulong ang suspek sa kasong illegal gambling.

Umuwi na ng Samar ang bantay bayan na kanyang binaril dahil natakot ito para sa kayang buhay sabi ni Captain Tan.

Pinabulaanan naman ng suspek ang mga paratang sa kanya. "Tnatanggi ko tanim lang po lahat yun, sir," aniya.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act at Batas Pambansa bilang 6 o Illegal possession of bladed weapon ang suspek.