Pulis na rumaraket umano bilang holdaper, arestado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na rumaraket umano bilang holdaper, arestado

ABS-CBN News
Published Aug 02, 2018 03:19 PM PHT

Nahaharap ngayon sa mga kasong driving without license at robbery ang isang pulis sa Mandaue City, Cebu matapos mapag-alamang suma-sideline pala ito bilang holdaper.

Unang natimbog si PO1 Argel Fuentes sa paglabag sa batas trapiko matapos iharurot ang kaniyang motorsiklo kahit pa pinapatigil siya ng pulis.

Doon nalamang wala siyang lisensiya, at doon na rin kinumpiska ang kaniyang service firearm at helmet.

Pagkahuli kay Fuentes, laking gulat ng mga pulis dahil agad nagdatingan sa istasyon ang mga umano'y nabiktima ng kawatan.

ADVERTISEMENT
Bukod sa traffic violation, sangkot din umano ang pulis sa panghoholdap.

MGA EBIDENSIYA
Sa isang CCTV footage, makikita ang pagpasok at pagnanakaw ni Fuentes sa booth ng cashier sa isang gasoline station sa Barangay Tipolo.

Napag-alamang 5 taon nang pulis si Fuentes at nakadestino bilang beat patrol.

Ayon naman sa hepe ng station 2 ng Cebu City police, nag-sick leave si Fuentes mula noong Biyernes. May pending case pa umano itong insubordination.

"Akala ko sa duty lang siya pasaway. Hindi pala. Umabot pa sa ganito ngayon. Nagnakaw na siya. Nang-holdup na talaga siya," pahayag ni Chief Inspector Ma. Theresa Macatangay, hepe ng istasyong kinabibilangan ni Fuentes.

Tumanggi nang magsalita si Fuentes.
Tumanggi nang magsalita si Fuentes.
—Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT