Magpinsan sa Albay nagbenta ng tig-P20 per kilong bigas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magpinsan sa Albay nagbenta ng tig-P20 per kilong bigas

Magpinsan sa Albay nagbenta ng tig-P20 per kilong bigas

ABS-CBN News

Clipboard

Makakabili na ng P20 per kilo na bigas ang ilang residente sa Ligao City, Albay.

Inisyatibo ito ng magsasakang si Dindo Bataller, at pinsang si Elena Cascante Kipshoven na isang rice mill owner sa Barangay Mahaba.

Ani Bataller, naging inspirasyon nila ang ginawa ng vlogger na si Kakampink 101, na sinubukang magbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo.

Nasa 10 sako ng bigas ang inilaan ng magpinsan para dito, na tinawag naman nilang Kakampink 102.

ADVERTISEMENT

“Ang maganda pa po dito, ‘yong mga bigas na amin ibinibenta ng P20/kilo ay inani ng mga magsasaka ng Ligao. Kaya sigurado na magandang klase ng kanin ang pagsasaluhan ng pami-pamilya,” saad nito.

Sa kanilang barangay pa lang sila nakapag-ikot dahil agad itong dinumog ng mga nais makabili ng P20 kada kilo na bigas na isa sa mga naipangako ng pangulo noong panahon ng kampanya.

“Kaya naman ng gobyerno ang P20/kilo ng bigas, iyon ay kung isasantabi ang pansariling interes at talagang uunahin ang pagpapagaan ng buhay ng pamilyang Pilipino," ani Bataller.

- ulat ni Jonathan Magistrado

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.