Laoag City, bayan ng Pagudpud sa Ilocos Norte, isinailalim sa localized ECQ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Laoag City, bayan ng Pagudpud sa Ilocos Norte, isinailalim sa localized ECQ

ABS-CBN News
Published Aug 01, 2021 11:02 PM PHT

Isinailalim sa localized enhanced community quarantine (ECQ) simula Linggo, Agosto 1, ang lungsod ng Laoag at bayan ng Pagudpud sa Ilocos Norte para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga nasabing lugar.

Ito ay base sa inilabas na Executive Order 145-21 ni Governor Matthew Marcos Manotoc.

Tatagal ito hanggang Agosto 15.
Tatagal ito hanggang Agosto 15.
Samantala, sa magkahiwalay naman na executive order ng gobernador, ang bayan ng Bacarra, Badoc, Burgos, at Pinili ay isinailalim sa localized general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.

Epektibo rin ito ngayong araw, Agosto 1, hanggang Agosto 15.

Ang iba pang natitirang lungsod at mga bayan sa lalawigan ay nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa huling tala ng lalawigan nitong Hulyo 31, umaabot na sa 8,155 ang kabuuang kaso nito ng COVID-19. May 3,170 ang aktibong kaso, habang 4,861 na ang gumaling at 124 na ang nasawi.

- ulat ni Grace Alba
Read More:
Ilocos Norte
Laoag City localized ECQ
Pagudpud localized ECQ
Ilocos Norte COVID-19
coronavirus
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT