TINGNAN: Mga insidente ng pagbabaha sa Parañaque City

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 04:53 PM | Updated as of Aug 01 2020 06:16 PM

 

Nakuhanan ni Bayan Patroller Ayin Calaluan mula Barangay San Isidro, Creek Side, Parañaque City ang abot bewang na baha nitong Sabado ng hapon.

Kwento ni Calaluan, madalas daw bumaha sa lugar nila kapag malakas ang buhos ng ulan tulad kanina. 

 

Ligtas naman daw ang kaniyang pamilya at hinihintay na lang na bumaba ang baha sa kanila. 

 

Samantala, sa retratong ipinasa naman ni Aris Santos, lubog ang isang Mercedes Benz sa pagbaha sa loob ng BF Homes Paranaque.

"ATM.....BF Homes Paranaque, along Aguirre," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.