Mga bahay binaha sa Sta. Mesa dahil sa sirang tubo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bahay binaha sa Sta. Mesa dahil sa sirang tubo

Mga bahay binaha sa Sta. Mesa dahil sa sirang tubo

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 01, 2020 06:45 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Wala mang malakas na ulan, tila nabagyo ang ilang barangay sa Maynila dahil sa pagpasok ng baha sa mga bahay, Biyernes ng gabi.

Galit ang maraming residente ng Sta. Mesa dahil sa pagkasira ng tubo ng Maynilad na naka-apekto sa maraming barangay. Una nang binaha ang Magsaysay Boulevard, Biyernes ng umaga, pero kinagabihan may nasira na namang pipe kaya muling binaha ang maraming lugar.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa residenteng si MacMac Santos, nagulat na lang sila sa Buhay Street sa Barangay 596 nang biglang pumasok ang tubig sa kanilang bahay.

Basa ang maraming mga gamit ng mga residente gaya ng mga appliances, sofa at iba pa. Sinubukan namang isalba ang iba pang gamit at inilagay sa taas ng mga mesa o kaya'y sa ikalawang palapag ng bahay.

ADVERTISEMENT

Humupa ang baha sa ilang lugar pero putik naman ang naiwan. Baha man sa paligid, wala namang tubig sa gripo kaya dagdag sa galit ng mga residente dahil hindi sila makaligo o makapaghugas ng pinggan.

Nag-abiso ang Maynilad na may isinasagawang emergency repair work sa Magsaysay Boulevard malapit sa LRT Pureza Station. Maraming barangay sa Maynila ang walang supply ng tubig, at abot din ito sa ilang barangay sa Pasay at ParaΓ±aque. Humihingi ng paumanhin ang Maynilad sa nangyaring leak.

Hanggang ngayon may ilang residente pa rin ang nagrereklamo na wala silang tubig.

May ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.