Bahagi ng kalsada, natabunan ng gumuhong lupa at bato | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng kalsada, natabunan ng gumuhong lupa at bato

Bahagi ng kalsada, natabunan ng gumuhong lupa at bato

Ranulfo Docdocan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 31, 2019 05:44 PM PHT

Clipboard

Nagsasagawa ng clearing operations ang mga awtoridad para muling madaanan ang kalsada. Larawan mula sa Department of Public Works and Highway-Southern Leyte District Engineering Office

Pansamantalang hindi madadaanan ang national highway sa Barangay Badiang sa Pintuyan, Southern Leyte dahil sa naganap na pagguho ng lupa, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Southern Leyte, natabunan ng landslide ang bahagi ng kalsada.

Sabi naman ni District Engineer Margarita Junia ng Department of Public Works and Highways, umabot sa 6 na talampakan ang kapal ng lupa at mga bato na nakatabon sa kalsada na may lawak na 15 metro.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

ADVERTISEMENT

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ang PDRRMO sa disaster office ng bayan ng Pintuyan ukol sa insidente.

Posibleng dahilan ng landslide ang malakas na pag-ulan noong Martes ng gabi.

Patuloy naman na nagsasagawa ng clearing operations ang DPWH nang tuluyan nang mabuksan sa mga motorista ang kalsada.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.