DOH: Wala pang community transmission ng Delta variant sa bansa | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH: Wala pang community transmission ng Delta variant sa bansa

DOH: Wala pang community transmission ng Delta variant sa bansa

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Naniniwala ang Department of Health (DOH) na wala pang community transmission ng Delta variant sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa iba't ibang lugar sa bansa.

Paliwanag ng DOH, may pagkakaugnay ang mga kaso ng Delta variant sa bansa sa isa't isa.

Pero paglilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat gumalaw ang mga tao nang mistulang mayroon nang ganitong klase ng transmission sa bansa.

"We need to act as if there is this type of transmission happening in the country para mas maging cautious tayong lahat. Mayroong extra precaution. But for now we cannot declare that because we need evidence for us to say that there is really community transmission of the Delta variant," ani Vergeire.

ADVERTISEMENT

Base sa depinisyon ng World Health Organization, masasabing may community transmission na kung hindi na makita ang koneksiyon ng bawat kaso at mataas na ang bilang o kung marami na ang nagpopositibo sa test.

Sa ngayon, nasa 216 samples ang nakukumpirma ng Philippine Genome Center na positibo sa Delta variant. Sa bilang, 8 ang pumanaw na, at may edad na 27 hanggang 78 anyos.

Tatlo sa mga namatay ay hindi bakunado habang inaalam pa ang vaccination status ng lima.

Pero ang kasalukuyang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ay hindi pa masabi kung sanhi ng Delta variant, ayon kay Vergeire.

"Hindi pa natin puwedeng i-conclude that the surge is being driven by a specific variant because we only do purposive sampling and we rely also on local governments for their submissions to us para ma-test for whole genome sequencing," ani Vergeire.

ADVERTISEMENT

Pero dahil sa banta ng Delta varaint, noong isang linggo pa inirerekomenda ng ilang esperto ang mala-ECQ na lockdown sa Kamaynilaan.

Inanunsiyo nitong umaga ng Biyernes ng Palasyo na aarangkada ang ECQ sa Agosto 6 at magtatagal hanggang Agosto 20.

Paliwanag naman ni OCTA Research fellow Guido David, kailangang sabayan ng mga lockdown ang disiplina ng tao sa pagpapaigting ng testing, contact tracing, at isolation.

Paalala rin aniya sa publiko na hindi agad mararamdaman ang epekto ng ECQ sa Metro Manila.

"Once na na-impose ang stricter restrictions, sasabihin ng mga tao 'eh bakit tayo nag ECQ tumatataas pa naman 'yung kaso hindi effective ang ECQ' so ang sagot du'n, hindi pa kasi nagre-reflect sa numbers," ani David.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.