Hannah Furigay bigo pa din makapunta sa lamay ng ina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hannah Furigay bigo pa din makapunta sa lamay ng ina

Hannah Furigay bigo pa din makapunta sa lamay ng ina

Anna Cerezo,

ABS-CBN News

Clipboard

Apat na gabi na ang lumipas mula ng nagsimula ang burol ni dating Lamitan Mayor Rose Furigay, pero hindi pa siya nabibisita ng anak na si Hannah Furigay.

Kasalukuyang nasa ospital pa rin at nagpapagaling si Hannah, matapos pagbabarilin din ni Dr. Chao-Tiao Yumol.

Ayon sa abogado ng pamilya Furigay na si Atty. Quirino Esguerra Jr., hindi pa nabibigyan si Hannah ng clearance ng kanyang doktor.

Kwento ng ama na si Mayor Roderick Furigay, malapit si Hannah sa kaniyang ina.

ADVERTISEMENT

Araw-araw umanong nakikiusap si Hannah sa kakambal na si Kelsey at sa ama na kung maaari ay makapunta na siya sa lamay para makasama ulit ang ina.

Nakatakdang iuwi na ang mga labi ng dating mayor sa Lamitan sa Basilan sa Sabado.

Pero hangang ngayon, hirap pa rin tangapin ng pamilya Furigay ang sinapit ng kanilang ina.

Kwento pa ni Mayor Furigay, pagkatapos ng graduation ni Hannah ay uuwi sana silang apat sa Lamitan at nagpaplano magbakasyon.

Ngunit nasira ng trahedya ang kanilang mga plano.

Dagdag pa ng mga Furigay, hindi na din makukumpleto silang mag-anak paghatid kay Rose sa Lamitan.

Hindi pa rin makakasama si Hannah sa paghatid ng mga labi ng ina dahil ooperahan pa ang kaniyang colon sa susunod na Linggo.

Kaninang umaga, nauna nang naiuwi ang mga labi ni Victor Capistrano, ang long-time aide ni Rose Furigay sa Lamitan.

Si Capistrano ay presidente ng LGBTQ Lamitan chapter, at ayon sa best friend niya na si Chin Chin De La Cruz, kay Capistrano sila kumukuha ng lakas para ipaglaban ang kanilang karapatan bilang miyembro ng LGBTQ community.

Sa bahay ni Capistrano ipinagpatuloy ang kanyang burol.

Sa ngayon, pinag-uusapan pa ng pamilya Capistrano ang petsa ng kanyang libing.

Samantala, nakaburol pa rin ang mga labi ng security guard na si Jeneven Bandiala, at umaasa naman ang pamilya niya na maiuuwi na ang labi niya sa Misamis Occidental sa Sabado.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.