GSIS, Pag-IBIG may pautang para sa mga nasalanta ng lindol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

GSIS, Pag-IBIG may pautang para sa mga nasalanta ng lindol

GSIS, Pag-IBIG may pautang para sa mga nasalanta ng lindol

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 28, 2022 08:36 PM PHT

Clipboard

Nagbukas ng pautang ang Government Service Insurance System (GSIS) at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) para sa mga miyembrong nasalanta ng magnitude 7 na lindol sa Luzon.

Nasa P20,000 emergency loan ang pautang ng GSIS sa mga kawani ng gobyernong apektado ng lindol, ayon kay Joseph Philip Andres, acting senior vice president ng GSIS Luzon operations group.

Pero kailangan aniyang may deklarasyon muna ng state of calamity ang lugar ng miyembrong mag-a-apply ng loan.

"Puwede po silang electronic means lang. Mayroon po tayong GSIS Touch na mobile app so through the convenience of your smartphone, puwedeng-puwede na kayong mag-apply," ani Andres.

ADVERTISEMENT

"Pero kung nais pa rin po nilang pumunta sa aming mga branches, in fact, you can file in any branch nationwide," dagdag niya.

Hanggang 80 porsiyento naman ang savings na puwedeng mautang na calamity loan ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na nasalanta ng lindol.

Puwede itong ma-avail sa pamamagitan ng Facebook o Pag-IBIG website, ani Pag-IBIG Spokesperson Kalin Franco-Garcia.

Kung hindi pasok sa calamity loan, available pa rin naman umano ang multi-purpose loan ng Pag-IBIG at GSIS para sa mga miyebro.

Ang Social Security System naman ay pinag-aaralan pa kung maglulunsad ng calamity loan sa mga miyembro.

Samantala, inihayag naman ng Abra Electrical Cooperative na may kuryente na ang lahat ng bayan sa probinsiya, matapos yanigin ng lindol noong umaga ng Miyerkoles.

Pero brownout pa rin umano sa ilang liblib na lugar dahil sa problema sa linya.

Fully operational naman ang signal ng Globe pero tuloy pa rin umano ang libreng tawag, charging at WiFi para sa mga apektado ng lindol.

Naglunsad naman ang GCash ng donation drive para pantulong sa mga nasalanta.

Naibalik na rin ang signal ng PLDT-Smart at mayroon ding libreng tawag at WiFi site sa mga apekadong lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.