3 college professors patay matapos masagasaan ng jeep sa Tiaong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 college professors patay matapos masagasaan ng jeep sa Tiaong

3 college professors patay matapos masagasaan ng jeep sa Tiaong

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2023 10:23 AM PHT

Clipboard

Kuha ng Quezon PNP
Kuha ng Quezon PNP

Patay ang tatlong college professor matapos masagasaan ng isang cargo jeep sa Maharlika Highway, Barangay Lagalag, Tiaong, Quezon Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa report ng Tiaong police, ang mga biktima ay isang lalaki at dalawang babae na pawang nagtuturo sa Southern Luzon State University (SLSU)- Tiaong Campus.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas 7:30 ng gabi, nang masagasaan ang mga ito ng jeep na minamaneho ng isang 63 anyos na taga San Pablo City, habang tumatawid sa highway sa tapat na eskwelahan.

Isinugod ang tatlo sa mga ospital sa Candelaria, Quezon subalit pawang binawian sila ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

ADVERTISEMENT

Nasa kustodiya naman ng Tiaong police ang driver ng jeep na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.

Ayon sa pamunuan ng SLSU, galing ang tatlo sa meeting sa eskwelahan para sa gaganaping graduation ng mga estudyante.

Lumalabas sa imbestigasyon na umuulan sa lugar at may kadiliman ang bahagi ng kalsada ng mangyari ang malagim na insidente. - Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.