Panawagan sa #SONA2020 protests: Mas maayos na tugon sa COVID-19 pandemic, ABS-CBN franchise | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panawagan sa #SONA2020 protests: Mas maayos na tugon sa COVID-19 pandemic, ABS-CBN franchise

Panawagan sa #SONA2020 protests: Mas maayos na tugon sa COVID-19 pandemic, ABS-CBN franchise

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2020 09:27 PM PHT

Clipboard

Hindi nagpatinag ang iba’t ibang sektor na sumama sa kilos-protesta sa University of the Philippines - Diliman bago ang ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA (4TH UPDATE) - Hindi nagpatinag ang iba’t ibang sektor na sumama sa kilos-protesta sa University of the Philippines - Diliman bago ang ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa protesta, na pinamagatang "SONAgKAISA," nagtipon-tipon ang iba’t ibang grupo na gustong iparating sa Pangulo ang kanilang mga panawagan sa harap ng pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) maging sa pagpasa ng mga kontrobersiyal na polisiya, gaya ng Anti-Terror Law at ang pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN.

Watch more in iWantv or TFC.tv

May pasabog ang aktibistang si Mae Paner o mas kilala bilang si “Juana Change” na ginaya si Sec. Harry Roque na may props pang inflatable dolphins

Maaalalang umani ng batikos si Roque nang magbakasyon sa Ocean Adventure sa gitna ng community quarantine.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakatanggap ng text ang ilang nasa loob ng UP Campus na pinag-iingat ang lahat sa pagsasalita dahil baka hulihin dahil sa Anti-Terror Law.

Hindi pa batid kung sino ang nagpadala ng mensahe.

SAPAT NA SUSTENTO PARA SA FRONTLINERS

Ang Agham Advocates of Science and Technology For The People, tinuligsa ang anila’y palpak na pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

“Actually nung nagsimula pa lang 'yung lockdown ang laki na agad ng pagkakamali. Kasi instead na health ang nasa frontline ng pag-address ng COVID-19, militaristic approach 'yung ginamit nila. Hindi rin maayos yung data governance, mga mali-maling mga datos na ito 'yung nagiging basis ng policy making ng ating gobyerno,” ani Feny Cosico, Secretary-General ng grupo.

Mayroon ding mga frontliner na dumalo sa protesta na kinuwestiyon ang anila’y “militaristic” na tugon ng gobyerno sa pandemya.

ADVERTISEMENT

TUGON SA HEALTH WORKERS

Kasama sa ipinanawagan sa mga kilos-protesta ang pagtaguyod sa karapatan ng mga health worker sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kasama sa dumalo ang Alliance of Health Workers, na nanawagan ng taas-sahod at dagdag-proteksyon sa mga frontliners sa harap ng banta sa coronavirus.

“Umaasa kami na ang pangulo ay magmamalasakit na tugunan ang panawagan ng sektor ng pangkalusugan na itaas ang sahod at dagdag-proteksiyon ng mga frontliners sa pagganap sa trabaho sa harap ng banta ng COVID-19,” ani Robert Mendoza, pangulo ng grupo.

Kasama rin ang Filipino Nurses United na pumapalag sa sobra-sobrang trabaho sa gitna ng pagtugon sa pandemya nang wala umanong kaukulang suporta sa pamahalaan.

“Minsan 12 hanggang 14 oras ang aming trabaho at walang sapat na proteksyon sa mga pampamahalaang ospital ang mga nurse sa pagganap sa kanilang trabaho,” ani Maristela Abenojar, National President ng grupo.

ADVERTISEMENT

Tinuligsa naman ng grupong Health Alliance for Democracy ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19, na ugat umano ng kawalan ng pamahalaan ng epektibong programa para mapigilan

LABOR GROUPS

Nagtipon-tipon din sa kilos-protesta ang iba’t ibang labor groups.

Kasama rito ang BPO Industry Employees Network, na nanawagan ng sapat na suporta para sa kanilang mga manggagawa ngayong may pandemya.

Ayon sa grupo, may mga call center agent na inilalagay sa floating status.

Habang ang mga may trabaho pa, wala naman anilang sapat na suporta kapag nagkasakit.

ADVERTISEMENT

Nakilahok na rin sa protesta ang mga manggagawa ng ABS-CBN lalo na ang mga nawalan ng trabaho mula nang patayin ang prangkisa ng network.

Nag-martsa rin ang concerned artists of the Philippines habang binabandera ang installation na pinangalanang “Monsterte.”

Sa laki raw kasi ng epekto ng pandemya sa industriya ay inuna pa ng pamahalaan ang pagsasabatas ng Anti-Terror Bill.

“Huwag tayong matakot dahil yun ang gusto nila matakot tayo, sa mga artist magsalita tayo,” ani Jay Altarejos, isang director.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ABS-CBN

Sumama rin sa kilos-protesta ang ilang ABS-CBN employees na ipinawagan na ibalik sa ere ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

Sa pangunguna ng beteranong broadcast journalist na si Ces Drilon, inihayag ng mga Kapamilya employer ang kanilang mapait na karanasan na kailangan silang tanggaling ng kompanya dahil sa pagbabasura ng ilang kongresista sa prangkisa ng network.

“Hindi po ako tagapagsalita ng ABS-CBN, hindi rin po ako tagapagsalita ng kapwa ko manggagawa, libo-libo po kaming nawalan ng trabaho, pero kaisa ko po sila na nagsasabing kami po ay biktima ng isang mapaniil na administrasyon,” ani Drilon.

Giit ni Drilon, ang sinapit hindi lang ng ABS-CBN kundi pati ng Rappler sa mga kaso nitong Cyber Libel at Tax Evasion ay hindi dapat ipagsawalangbahala.

Isa rin sa dumalo ang 5 taong nagtrabaho sa ABS-CBN TV Plus na si Jon Montesa, na na-retrench din kasama ang ilan pang empleyado kasabay ng pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN franchise.

“Marami po yung nagsasabi na marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, so marami po sa Facebook na dapat naming sisihin ang mga Lopez kaya kami nawalan ng trabaho pero para po sa amin, iba po ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya dahil kailangan nilang magbawas ng trabaho, kaysa sa nawalan ng trabaho dahil ninakawan kami ng hanap-buhay,” ani Montesa.

ADVERTISEMENT

May ilan namang nag-caravan gaya ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates at ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines sa paligid ng ABS-CBN compound.

Giit nila, kailangang ipagtanggol ang kalayaan ng pamamahayag at kailangang manatiling ligtas sa pandemya pero hindi dapat nananahimik.

“Nandito po ako kasi isa ako sa mga empleyado ng ABS-CBN na na-retrench dahil sa hindi tayo nabigyan ng prangkisa dahil nga sa personal vendetta ng alam naman natin kung sino so nandito po ako dahil, hindi lang para sa aming mga manggagawa hindi lang para sa malayang pamamayag, nandito ako para sa mga Pilipino na gusto lang naman manood at gusto ng mapagkukunan ng entertainment,” ani Fr. Angel Cortez, AMRSP Executive Secretary.

SINING

Binatikos din ng iba't ibang grupo ang Anti-Terror Law, kakulangan umano ng ayuda habang may pandemya, at kakulangan ng kahandaan sa pagtugon sa sektor ng edukasyon, paggawa, at transportasyon.

May iba't ibang pakulo rin ang mga lumahok sa protesta para iparating ang kanilang panawagan sa gobyerno bago ang talumpati ni Duterte.

ADVERTISEMENT

May gumawa ng roleta, may nagpinta rin ng "demonyo" na inihawig umano kay Pangulong Rodrigo Duterte.

May mga nagpinta rin sa kanilang payong at may gumawa ng headdress na may nakasulat na "I stand with ABS-CBN."

Tradisyunal na ginaganap ang mga SONA protest malapit sa Batasang Pambansa at sa Commonwealth Avenue.

Pero ngayong may pandemya, ipinagbawal muna ito ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, ngayong bawal ang mga mass gathering.

Ang pagkilos lang sa UP campus ang pinayagan sa SONA ngayong taon, basta’t sumunod sa minimum health standards ang mga dadalo gaya ng physical distancing at pagsuot ng face masks.

ADVERTISEMENT

Aabot naman sa 7,400 ang ipinakalat na pulis ng NCRPO para sa SONA ngayong taon.

Ayon sa National Capital Region Police Office, nasa 34 ang kanilang inaresto sa harap ng mga isinagawang kilos-protesta.

Tumanggi si NCRPO chief Debold Sinas na banggitin kung ano ang asunto laban sa mga inaresto na ang basehan pa lamang ng pagkakahuli ay dahil sa mga bitbit nitong mga placards at iba pang gamit sa protesta.

Pero isa anila sa dahilan ay ang paggamit umano nila ng jeep para pumunta sa protest venue.

Nakabantay naman ang Free Legal Assistance Group sa protesta sa UP sakaling magpilit ang mga pulis na magdampot ng mga nagpo-protesta.

ADVERTISEMENT

Kusa ring nagsialisan nang alas-12 nang tanghali ang mga lumahok sa protesta.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab, Adrian Ayalin, Abner Mercado, Jorge Carino, Zen Hernandez, at Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.