Konsehal, dating alkalde, 2 iba pa patay sa pamamaril sa Negros Oriental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Konsehal, dating alkalde, 2 iba pa patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Konsehal, dating alkalde, 2 iba pa patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Martian Muyco,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2019 07:23 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

CANLAON, Negros Oriental - Apat ang patay kabilang ang isang konsehal at isang dating alkalde sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril dito sa probinsya, Sabado.

Pasado alas-12 nang madaling araw, halos magkasabay na sinalakay at pinagbabaril sa kani-kanilang bahay sa Canlaon City sina Konsehal Bobby Jalandoni at Barangay Panubugan chair Ernesto Posadas.

Pasado alas-2 naman ng umaga, sinalakay din sa Ayungon ang bahay ng dating alkalde ng bayan na si Edsel Enardecido at ang kaniyang kamag-anak na si Leo Enardecido.

Sa loob ng isang linggo, 16 na lahat ang napatay sa Negros Oriental dahil sa mga insidente ng pamamaril, ayon sa mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

Sa inisyal na report ng mga pulis, puro mga armadong grupo ang sumalakay at bumaril sa mga biktima.

Patuloy na nasa full alert status ang kapulisan dito sa probinsya dahil sa mga pangyayari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.