Higit 3,300 inilikas sa Bacolod dahil sa Bagyong Egay | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 3,300 inilikas sa Bacolod dahil sa Bagyong Egay

Higit 3,300 inilikas sa Bacolod dahil sa Bagyong Egay

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng Bacolod City Fire Station
Kuha ng Bacolod City Fire Station

BACOLOD - Mahigit 3,300 na mga residente sa Bacolod City ang inilikas na dahil sa lakas ng baha bunsod ng Bagyong Egay.

Ayon sa Bacolod City Disaster and Risk Reduction Management Office nitong Martes, mahigit 1,000 na pamilya sa mga danger zones ang lumikas ng magsimulang tumaas ang tubig habang ang iba naman ay napilitang lumikas dahil sa pinairal na forced evacuation ng lokal na pamahalaan.

“Sinasabihan po natin yung mga tao sa danger zones na mag-evacuate sila whenever tumaas ang tubig especially sa mga areas near our rivers and creeks. Our barangays will conduct preemptive evacuation especially if they have determined that the water levels in our barangays are already critical," ani Eunice Ciocon, training chief ng Bacolod CDRRMO.

Nagsagawa rin ng rescue operation ang CDRRMO at Bacolod City Fire Station sa mga residenteng nahirapang umalis sa kanilang bahay dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig baha.

ADVERTISEMENT

“Di inakala ng mga tao na ganun kabilis ang pagtaas ng tubig kaya tumawag na sila ng tulong. Nasa 139 ka tao ang na-rescue ng BFP kanina,” ani Rolin Paulan, imbestigador ng Bureau of Fire Protection - Bacolod.

Labinlimang barangay ang binaha dahil sa ilang beses na pagbuhos ng ulan buong araw.

Mahigit 700 food packs ang naipamigay na ng lokal na pamahalaan.—Ulat ni Angelo Angolo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.