Teenager patay sa landslide sa Baguio City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Teenager patay sa landslide sa Baguio City

ABS-CBN News
Published Jul 26, 2023 05:36 PM PHT
|
Updated Jul 26, 2023 06:39 PM PHT

BAGUIO — Patay ang isang 16-anyos na lalaki sa matapos matabunan ng landslide sa lungsod na ito, kasabay ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Egay, Miyerkoles.

Na-trap ng landslide sa kaniyang kuwarto ang binatilyo bandang alas-10:30 ng umaga at idineklarang dead on arrival sa ospital, ayon sa Baguio City Public Information Office.

Nasagip naman ng mga awtoridad ang kaniyang mga magulang, edad 59 at 48, na dinala rin sa ospital.

Samantala, dalawa ang sugatan sa hiwalay na landslide sa BGH Compound, Baguio.

ADVERTISEMENT
Ayon sa pulisya, narescue sa landslide ang isang 44 anyos na lalaki at isang trabahador sa car wash. Agad silang dinala sa ospital.

Nagkaroon din ng landslide malapit sa palengke ng Baguio kung saan natabunan ang ilang sasakyang nakaparada.

Bukod sa mga nabanggit na lugar, nakapagtala rin ng landslide at pagtumba ng puno sa iba-ibang bahagi ng lungsod.

Sa dash cam ng isang residente, nakuhanan ang muntik ng pagtumba ng puno sa kanyang sasakyan.

Sinuspinde na ni Mayor Benjamin Magalong ang klase at pasok sa trabaho sa lungsod.

— Ulat ni Mae Cornes
Read More:
Baguio
weather
weather updates
weather latest
weather news
weather Philippines
PAGASA
bagyo
typhoon
Egay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT