Mga protesta sa huling SONA ni Duterte umarangkada na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga protesta sa huling SONA ni Duterte umarangkada na

Mga protesta sa huling SONA ni Duterte umarangkada na

ABS-CBN News

Clipboard

Kilos-protesta sa University of the Philippines Diliman nitong Hulyo 26, 2021, para sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. ABS-CBN News

MAYNILA — Umarangkada nitong umaga ng Lunes ang kabi-kabilang protesta kasabay ng huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa University of the Philippines (UP) Diliman, nagsimula ang programa para sa protesta sa pangunguna ng mga grupong Bayan Southern Tagalog, Kilusang Mayo Uno at iba pa.

Mula UP Diliman, magmamartsa ang mga demonstrador papuntang Commonwealth Avenue.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kinondena ng mga grupo ang anila'y pang-aabuso sa ilalim ng administrayong Duterte nitong nakalipas na 5 taon.

ADVERTISEMENT

Nagkasa rin ng protesta sa Quezon City ang fishers' group na Pamalakaya, na kinondena ang anila'y pagiging duwag ni Duterte sa pagtatanggol sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Nag-ikot sa mga police outpost sa Comonwealth Avenue si Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Aabot sa 15,000 pulis ang ipinakalat sa buong Metro Manila para sa huling SONA ni Duterte.

Pinaalalahanan ni Eleazar ang mga pulis na payagan ang mga protesta at ipatupad ang maximum tolerance.

Bilin ni Eleazar na manita ng mga lalabag sa health at safety protocols, at sitahin ang mga menor de edad at senior citizens na sasali sa rally.

Sa Maynila, naka-posisyon na ang mga pulis sa may US Embassy, Liwasang Bonifacio, Padre Faura sa tapat ng Supreme Court, at sa Mendiola kung saan karaniwang nagdaraos ng mga protesta.

Sa Davao City, nagsagawa ng mga anti-SONA rally ang progresibong grupong Kilab Multimedia sa may Bankerohan Public Market, Agdao at Roxas Avenue.

Ito'y para batikusin ang anila'y bigong pangako ni Duterte na maibangon ang mga marginalized sector sa Mindanao.

Pinapanagot din ng grupo si Duterte sa anila'y bigong pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sinigurado naman ng mga lumahok sa rally na nakasuot sila ng face mask at face shield, at nag-social distancing para iwas sa hawahan ng COVID-19.

— Ulat ni Jorge Cariño, Jeck Batallones, Jervis Manahan at Jerome Lantin, ABS-CBN News; at Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.