PatrolPH

Carmelite Monastery sa Iloilo City naka-lockdown dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2021 01:52 PM

Watch more on iWantTFC

Isinailalim sa lockdown simula nitong Linggo ang isang monasteryo sa Iloilo City matapos magpositibo sa COVID-19 ang mga madre at kawani doon.

Aabot sa 24 na madre at 9 na kawani ng Carmelite Monastery sa La Paz, Iloilo City ang positibo sa sakit.

Noong Hulyo 15 nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang madre at nagpositibo matapos isailalim sa swab test.

Tatlo sa mga madre ang nasa ospital ngayon, habang naka-isolate sa loob ng kumbento ang iba pa na mayroon lamang mild symptoms o asymptomatic.

Wala pang petsang inilabas ang COVID-19 team ng Iloilo City kung hanggang kailan ang pag-lockdown sa monasteryo.

— Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.