Lalaking naka-quarantine, patay sa saksak sa barangay isolation facility | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking naka-quarantine, patay sa saksak sa barangay isolation facility

Lalaking naka-quarantine, patay sa saksak sa barangay isolation facility

Claire Cornelio,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinasok ng suspek ang barangay isolation facility ng Barangay Cabinuangan sa bayan ng New Bataan sa Davao de Oro at sinaksak ang biktimang nasa ikalawang araw pa lamang ng kaniyang quarantine. Larawan mula sa New Bataan Police


NEW BATAAN, Davao de Oro - Hindi na natapos ng lalaking stranded mula Surigao ang kaniyang quarantine sa Barangay Cabinuangan dito sa bayan matapos pagsasaksakin ng isang lalaking nakapasok sa loob ng isolation unit, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Arjay Villasencio, 33 anyos na nasa ikalawang araw pa lamang ng kaniyang quarantine.

Si Villasencio ay napatay sa saksak ng suspek na si Remar Villaren.

"Accordingly, para itong lumalabas na crime of passion, na love triangle po 'yong motibo ng krimen kasi po 'yung suspek mayroon po siyang former live-in partner na 'yun naman ngayon ang live-in partner ng victim," sabi ni Police Capt. Churchill Pablo Angog Jr., hepe ng New Bataan Police.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon, dumaan ang suspek sa bintana sa likurang bahagi ng barangay isolation facility. Nagkagulo pa sila sa loob hanggang sinaksak ng suspek ang biktima sa kili-kili gamit ang kutsilyo.

Sumuko na sa pulisya ang suspek at inamin ang kasalanan dahil sa galit niya sa biktima.

Sinampahan na ng kasong murder ang suspek.

Inutusan na ni New Bataan Mayor Geraldford Balbin ang mga barangay officials at Barangay Health Emergency Response Team na paigtingin pa ang seguridad sa isolation unit para hindi na maulit pa ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.