Lalaking nagnanakaw sa mga nakikilala sa dating sites timbog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagnanakaw sa mga nakikilala sa dating sites timbog

Lalaking nagnanakaw sa mga nakikilala sa dating sites timbog

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 25, 2019 07:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Naaresto ng mga awtoridad noong gabi ng Miyerkoles sa Quezon City ang isang lalaking umano ay nagnanakaw ng cellphone sa mga babaeng nakikilala niya sa online dating sites.

Dinampot ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit sa may Panay Avenue ang suspek na si Sherwin Lorro.

Ninakaw raw ni Lorro ang cellphone ng biktimang si alyas "Julie" at ibinenta sa biktima sa halagang P30,000.

Ayon kay "Julie," nakilala niya sa dating website si Lorro, na ginamit ang pangalang "Clyde."

ADVERTISEMENT

Nang magkita sila sa isang restoran, hiniram ng suspek ang cellphone ng biktima at lumabas ng establisimyento pero hindi na bumalik.

Matapos tangayin ang cellphone, nakatanggap ng text ang isa sa mga kaibigan ni "Julie" na nanghihingi umano ng pera ang suspek.

Gamit pa ang Facebook account ng biktima, ibinenta ng suspek ang cellphone sa mga kaibigan ni "Julie."

Dumulog si "Julie" sa CIDG na nagkasa naman ng entrapment operation.

Lumabas sa imbestigasyon na ilan na rin sa mga nabiktima ni Lorro ang nag-post sa Facebook. Iisa umano ang modus ng suspek.

Ipinayo naman ng mga awtoridad sa publiko na maging maingat sa mga bagong kakilala dahil posible raw gamitin ang mga impormasyon para makapambiktima.

-- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.