P1.7-M halaga ng 'shabu', nasabat sa Butuan

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 09:25 PM

BUTUAN CITY - Nasa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang "shabu" ang nasabat ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Butuan City, Lunes ng umaga.

Arestado ang suspek na si Arman Pinto, 37, na nagbenta ng P3,000 halaga ng hinihinalang "shabu" sa isang operatiba.

Nakuha rin sa suspek ang anim pang sachet ng ilegal na droga na may timbang na 150 grams at may halagang P1.7 milyon ayon sa Dangerous Drugs Board.

Ayon sa Butuan City Police Office, bagong "drug personality" ang nahuling suspek na minanmanan nila sa loob ng dalawang linggo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.