5 taong paghihiwalay ng mag-asawa pwedeng basehan ng annulment, giit ng kongresista | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 taong paghihiwalay ng mag-asawa pwedeng basehan ng annulment, giit ng kongresista

5 taong paghihiwalay ng mag-asawa pwedeng basehan ng annulment, giit ng kongresista

Zandro Ochona,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 24, 2019 06:46 PM PHT

Clipboard

MANILA - Isinusulong sa House of Representatives ang isang panukala na maaari nang mag-file ng annulment ang mga mag-asawang 5 taon nang hiwalay.

Layon ng House Bill 502 na inihain ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na amyendahan ang ilang probisyon sa Family Code of the Philippines para mas mapadali ang pakikipaghiwalay sa asawa.

Ang panukala ay kikilala sa reyalidad na umiiral sa marital condition ng mga Pilipino, paliwanag ni Barbers.

Hindi na kailangan ng malalim na rason para mabatid ang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-asawang sumasalang sa annulment, aniya.

ADVERTISEMENT

Giit ni Barbers, sapat na ang 5 taon para makapag-adjust at makapag-move on ang mga mag-asawang nagdesisyon na maghiwalay na.

Mas mainam na ito imbis na maglabasan pa ng kung anu-anong issue kapag may annulment, sabi ng kongresista.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.