Lalaki, pinaniniwalaang nalunod sa ilog sa Negros Occidental | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, pinaniniwalaang nalunod sa ilog sa Negros Occidental

Lalaki, pinaniniwalaang nalunod sa ilog sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Clipboard

Sinimulan nitong Lunes ng mga awtoridad ang paghahanap sa isang lalaki na paniniwalaang nalunod noong Linggo sa isang ilog sa Bago, Negros Occidental.

Ayon kay Ric Donald Vicente, local risk reduction and management officer na namumuno sa retrieval operation, hindi agad sinimulan ang paghahanap kay RJ Estilo dahil sa panganib na dulot ng malakas na agos ng Dahug River kung saan nalunod ang biktima.

Ayaw rin umano ni Vicente na mailagay rin sa peligro ang seguridad ng mga rescuer, lalo at tumaas ang tubig sa ilog dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Kuwento ni Mary Joy Villanueva, kinakasama ng biktima, Linggo ng hapon nang magtungo sa ilog si Estilo kasama ang limang kaibigan para manguha ng isda.

ADVERTISEMENT

Nakita mismo ng mga kasamahan ng biktima ang kaniyang pagkalunod at sinubukan pa siyang sagipin pero natangay ito ng agos ng tubig, ayon kay Villaueva. -- Ulat ni Barbara Mijares, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.