Bata patay matapos tumalon ang ama sa bubong ng waiting shed

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 02:49 AM | Updated as of Jul 25 2017 02:50 AM

BUKIDNON - Habang karga ang isang taong gulang na batang babae, tumalon ang ama nito mula sa bubong ng isang waiting shed Lunes ng tanghali sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon kay Chief Inspector Alfredo Ortiz, hepe ng Malaybalay City PNP, sinita ng isang traffic enforcer ang lalaki dahil nanatili itong nasa gitna ng kalsada habang karga ang kanyang anak.

Bigla na lamang tumakbo ang lalaki at umakyat sa bubong ng nasabing waiting shed at tumalon.

Agad na dinala sa ospital ang bata, ngunit napuruhan ito sa ulo na naging sanhi ng pagkamatay.

Inaresto ng mga pulis ang ama ng bata.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, may diperensya umano sa pag-iisip ang lalaki.

Napilitan ding turukan ng mga pulis ng pampakalma ang lalaki dahil sa patuloy nitong pagwawala sa presinto.

Plano pa ring sampahan ng mga pulis ng kasong parricide ang lalaki.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.