Abogado patay sa pamamaril sa Negros Oriental | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Abogado patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Abogado patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Nico Delfin,

ABS-CBN News

Clipboard

GUIHULNGAN CITY, Negros Oriental - Patay sa pamamaril ang isang 53 anyos na abogado sa Barangay Poblacion sa lungsod na ito Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Anthony Trinidad. Sakay si Trinidad at ang asawa nito sa kanilang sasakyan at pauwi na sana mula sa isang hearing sa karatig-bayan ng La Libertad nang pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin.

Namatay si Trinidad dahil sa mga tama ng bala sa katawan, habang sugatan ang kaniyang asawang agad na naisugod sa ospital.

Isang pedicab driver din ang nasugatan nang mabundol ng minamanehong sasakyan ng nasawing abogado.

ADVERTISEMENT

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, kinondena ng grupong Defend Negros ang pagpaslang kay Trinidad, na isang human rights advocate at tagapagtanggol ng mga political prisoner sa rehiyon.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang grupo sa pamilya at mga kaibigan ni Trinidad at nangakong patuloy na mananawagan ng hustisya para sa kaniyang pagkamatay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.