Malakas na ulan, hangin naranasan sa ilang probinsiya sa Central Luzon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malakas na ulan, hangin naranasan sa ilang probinsiya sa Central Luzon

Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Jul 22, 2020 02:31 AM PHT

Nanalasa sa ilang lugar sa Pampanga, Bataan, at Tarlac ang malakas na ulan at flashfloods dala ng localized thunderstorms sa mga naturang probinsiya.

Manaka-nakang pag-ulan ang naranasan Martes ng hapon sa ilang bahagi ng Pampanga. Pagsapit ng gabi, lumakas na ang ulan na may kasama pang mga kulog at kidlat.

Ganito rin ang naransan sa ilang bahagi ng Capas, Tarlac. Sa lakas ng ulan sa naturang bayan, ang pamilya Zamora ay naglagay na ng palangganang sasalo sa malakas na tulo ng tubig mula sa butas na yero.

“Bandang alas 8 po siya ng gabi nagstart, yung malakas-lakas rin pong ulan, and may kasama rin po siyang kulog at kidlat. At kapag po kasi hindi agad tumitigil 'yung mahina hanggang sa malakas na ulan dito sa barangay namin, ay umaapaw po yung ilan sa mga daanan ng tubig, gawa po ng drainage,” ani Christian Zamora.

Malakas din ang pag-ulan sa Mariveles, Bataan at nakaranas ng flashfloods sa ilang daan ang mga residente ng naturang bayan. Kaagad namang humupa ito makalipas ang ilang oras.

Nakaranas ng buhawi ang ilang residente sa Hermosa, Bataan. Ang bahay ni Ofresino Cruz, natuklap na ang mga bubong at inilipad pa ang mga pader ng kanyang bahay.

“Ginawa ko, nagtatakbo ako sa loob. Nagtatakbo ako sa loob. Malakas, hindi ko mawari kung anong klaseng hangin yung dumating. Sobra sa lakas. Pagkakita ko tanggal na itong mga bubong,” ani Cruz.

Dagdag niya, nasira ang ilang mga pananim at halaman sa Hermosa pero wala namang buhay ang nadisgrasya.

Ayon sa PAGASA-Clark, wala naman ibang weather system na namonitor sa Central Luzon maliban sa naranasang mga pag-ulan na dala ng localized thunderstorms .

Read More:
rains
rainshowers
localized thunderstorms
Pampanga
Bataan
Tarlac
Central Luzon
weather
weather top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT