Tatlong dekada ng DZMM, ginugunita | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tatlong dekada ng DZMM, ginugunita
Tatlong dekada ng DZMM, ginugunita
ABS-CBN News
Published Jul 22, 2016 03:01 PM PHT
|
Updated Jul 22, 2016 03:20 PM PHT

Muling nagsama-sama ang ilang beteranong Radyo Patrol reporters Biyernes ng umaga para ikuwento ang kanilang mga karanasan sa 30 taong pamamayagpag ng DZMM.

Kabilang sa mga beteranong mamamahayag na nagbahagi ng kanilang karanasan ay sina Radyo Patrol 26 Dindo Amparo, Radyo Patrol 2 Claude Vitug, Radyo Patrol 12 Rod Izon, Radyo Patrol 38 Noel Alamar at si Kabayan Noli de Castro.

Napag-usapan ng mga mamamahayag ang naging coverage nila noong panahon ng Martial Law, nang yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Baguio noong 1990, bukod pa sa malalaking balita noon.

Sinariwa rin ng mga mamamahayag ang alaala ng mga yumaong personalidad sa radyo tulad nina Ernie Baron at Tiya Dely Magpayo.

Ang DZMM 630 ay unang umere noong Hulyo 22, 1986 matapos makuha ang frequency 630 mula sa DWWW 630 na kontrolado ng rehimeng Marcos.

BASAHIN: BALIKAN: Tatlong dekada ng DZMM