Agad ipinasok sa body bag? Pagkamatay ng OFW sa Saudi nais paimbestigahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Agad ipinasok sa body bag? Pagkamatay ng OFW sa Saudi nais paimbestigahan

Willard Cheng,
ABS-CBN News
Published Jul 21, 2020 07:34 PM PHT
|
Updated Jul 21, 2020 09:10 PM PHT
MAYNILA — Nanawagan ang mga kaanak ng isang overseas Filipino worker (OFW) na imbestigahan ang pagkamatay nito sa Saudi Arabia dahil hinala nila ay buhay pa ito nang ipinasok sa body bag.

Lulan ng isang special flight ng Philippine Airlines ang bangkay ng 88 OFWs mula Saudi, at isa dito ang katawan ni Jhonrey Bohol, 39, na ayon sa death report ng Saudi Ministry of Health (MOH) ay namatay noong Mayo 31 dahil sa cardio-respiratory arrest bunsod ng COVID-19.

Pero duda ng kapatid niyang si Jessie, buhay pa ito nang ipinasok sa body bag dahil sa video na ipinadala sa kaniya ng isang kababayan ay humihinga pa si Jhonrey nang kinuha ng mga taga-MOH.

Sa retrato ng bangkay na kuha noon lang Hulyo 16, kitang suot pa ni Jhonrey ang damit at face mask na nasa leeg pa rin gaya nang huling nakita sa video.

"Maaari pa po siya masalba at hindi man lang po binibigyan ng oxygen noong kinuha. Noong kinuha po, diretso po siyang ipinasok sa white robe, iyong bang lagayan ng patay, iyong body bag. Kung patay na po siya, sana nakita ng mga kasama niya... Hindi po eh, humihinga pa siya noong kinuha... Kita naman po sa video na naglilinis siya ng mga memory sa cellphone niya," ani Jessie.

Nanawagan si Jessie sa mga awtoridad na imbestigahan ang pagkamatay ng kapatid.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration administrator Hans Cacdac, maaari nilang iparating sa Philippine Embassy sa Riyadh ang mga tanong ng kaanak ni Jhonrey.

"Yes we can po. We can at least convey the family's questions to our embassy in Riyadh."

"[They] should file a report or complaint with OUMWA submitting [their] suspicions," ani Eduardo Meñez, DFA Assistant Secretary sa office of strategic communication and research.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maaari ring maghain ng report o reklamo ang kaanak sa tanggapan ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers' Affairs.

Sabi ni Jessie, pag-aaralan niya ang pagsumite ng reklamo sa DFA.