2 lalaki natagpuang patay sa loob ng tangke ng tubig | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 lalaki natagpuang patay sa loob ng tangke ng tubig

Karren Canon,
ABS-CBN News
Published Jul 21, 2019 07:52 AM PHT
|
Updated Jul 21, 2019 07:09 PM PHT

Natagpuang patay ang 2 lalaki sa loob ng isang tangke ng tubig sa bayan ng San Juan, Batangas nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga itong sina Pastor Joel Ramos, 47, at inaanak na si Jose Almarez, 43.

Ayon sa pamilya ng mga biktima, nasa loob ng tangke ng tubig ang mga ito para linisin at pinturahan ang loob ng tangke.

Pumasok ang dalawa sa loob ng tangke alas-8 ng umaga Sabado.

ADVERTISEMENT
Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng post-mortem examination para makumpirma ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Pero sa kanilang inisyal na imbestigasyon, posibleng namatay ang dalawa dahil sa suffocation.

Maliit lang kasi ang butas ng tangke at walang suot na face mask ang mga biktima habang nililinis ang kalawang ng tangke gamit ang kemikal bago ito pinturahan.

Tinatayang nasa 10-12 talampakan ang lalim ng tangke.

Read More:
Tagalog news
regional news
Batangas
tank
water tank
occupational safety
jobs
TV Patrol
Karren Canon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT