Mga pasahero ng LRT-1 pinababa matapos magka-aberya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pasahero ng LRT-1 pinababa matapos magka-aberya

ABS-CBN News
Published Jul 21, 2018 11:23 AM PHT
|
Updated Jul 21, 2018 04:21 PM PHT

Mga pasahero ng LRT-1, pinababa sa Libertad station matapos magka-aberya ang tren. Operasyon ng LRT-1, limitado lamang sa Roosevelt hanggang UN Avenue station | ulat ni @arraperezDZMM pic.twitter.com/7mwUxzZ3Za
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 21, 2018

MAYNILA (UPDATED) – Nakabiyahe na ulit ang mga tren ng LRT-1 matapos na magka-aberya malapit sa Libertad Station, Sabado ng umaga.

Pinababa ang may 100 pasahero ng LRT-1 nang magkaroon ng sparking sa source of power o tinatawag nilang contact wire sa Libertad Station bago mag-alas-8 ng umaga.

ADVISORY UPDATE as of 10:00 am:⚠️ Still on limited operation between UN Avenue and Roosevelt Stations. Our technicians are currently working on a damaged electrical wire near Libertad Station. ⚠️
— LRT1 (@officialLRT1) July 21, 2018

Para sa seguridad, pinababa muna ang mga pasahero sa naturang estasyon habang agad na kinumpuni ng engineering team ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang apektadong kable.

Nakunan ng video ni Bayan Patroller Bhabes Bullas ang pagsabog ng contact wire sa Libertad Station bandang alas-6 ng umaga.

ADVERTISEMENT
Kuwento ni Bullas, nakarinig sila ng malakas na pagsabog bago niya nakunan ng video ang pag-apoy ng contact wire.

Naayos din agad ang nasabing kable at naibalik sa normal ang operasyon ng LRT-1 mula Baclaran hanggang Roosevelt alas-2:59 ng hapon, ayon sa LRMC.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.