Basura, itinapon sa Manila Bay para sa ‘publicity’ ng cleanup drive | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Basura, itinapon sa Manila Bay para sa ‘publicity’ ng cleanup drive

ABS-CBN News
Published Jul 21, 2017 09:53 PM PHT
|
Updated Jul 22, 2017 01:40 AM PHT

Pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang cleanup drive sa Manila Bay nitong Biyernes ng umaga ngunit imbes na linisin ito, nagtapon pa ang ilan ng basura para sa publicity.

Inimbitahan ni Mayor Joseph Estrada ang media para ipakitang sisimulan na nila ang extensive clean-up ng Manila Bay dahil marumi at mabaho pa rin ito kahit noong 2008 pa naglabas ang Korte Suprema ng writ of continuing mandamus na nag-uutos sa mga ahensiya ng pamahalaan na linisin, i-rehabilitate at panatilihin ang ganda nito.

“We'll bring back the glory of Manila Bay,” ani Estrada.

Sumakay si Estrada sa isang bangka kasama ang media para masimulan ang extensive clean-up drive.
Sumakay si Estrada sa isang bangka kasama ang media para masimulan ang extensive clean-up drive.
ADVERTISEMENT
Ngunit imbes na puntahan ang mga parte ng Manila Bay na marumi, dalawang lalaki pa ang lumusong sa tubig para ikalat ang basura malapit sa bangka ng alkalde.

Tinanong naman ng News team si Estrada kung alam niya ang ginawang pagtapon ng basura.

“For publicity, pero we are serious in cleaning Manila Bay,” ani Estrada.

Hindi malinaw kung sino ang nag-utos ng pagtapon ng basura para sa photo opportunity.

Lumalabas din na isang hotel malapit sa Manila Bay ang nanguna sa proyektong ito at hindi ang Manila local government unit.

“This is spearheaded not by the city but by Rizal Park Hotel in cooperation with some government agencies such as the City of Manila... It will be done monthly,” ani Atty. Sol Arboladura, director ng Manila Tourism.

Nagulat naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) nang makita ang pagtatapon sa Manila Bay.

“Kapag nagtapon ka ng basura sa Manila Bay, mayroon naman talagang parusa ‘yan sa batas. Ang depensa siguro nila diyan ay kinuha rin naman nila. Sana lang nalahat nila. Hindi sana natin kailangan gawin ‘yun kasi marami namang puwedeng kunin sa Manila Bay. Kalkalin mo lang ‘yung kaunti sa shore,” ani Undersecretary Maria Paz Luna, OIC ng Legal Legislative Affairs and Anti-Corruption ng DENR.

Tinanong din ang DENR kung may liability si Estrada sa ginawang pagtatapon ng basura. “Di naman natin siya nakitang nagtapon e. Nakita mo ba siyang nag-utos?” ani Luna.

Aminado naman ang DENR na kailangan sa ngayon ng malaking pera para sa impraestruktura dahil kailangan ng mga tubo para sa sewer system at pagsipsip ng lahat septic tanks.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT