Basurang dala ng habagat hinakot sa Manila Bay clean-up | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Basurang dala ng habagat hinakot sa Manila Bay clean-up

Basurang dala ng habagat hinakot sa Manila Bay clean-up

ABS-CBN News

Clipboard

Daan-daang mga volunteer mula sa gobyerno at pribadong sektor ang nagtulong-tulong para maghakot ng sako-sakong mga basura mula sa dalampasigan ng Manila Bay sa tinaguriang Las Pinas-Parañaque Critical Habitat Ecotourism Area malapit sa Coastal Road, Sabado ng umaga.

Nagkalat ang plastic at iba pang mga basura sa ilang kilometrong haba ng baybayin sa habitat bago magsimula ang paglilinis alas-6 ng umaga.

Lingguhan ang paglilinis sa lugar mula nang magsimula ang Manila Bay Cleanup project. Pero ngayong araw, mas malaking volume ng basura ang kailangang pulutin na naipon sa ilang araw na pag-ulan at malakas na alon dala ng bagyo at habagat.

Kuwento ng mga empleyado ng Parañaque City Environment and Natural Resources Office, wala ang mga naturang basura noong nakaraang Sabado matapos ang huling sama-samang cleanup sa lugar.

ADVERTISEMENT

Panawagan naman ni Sen. Cynthia Villar na dumalo sa cleanup na hinigpitan sana ng mga lokal na pamahalaan ang pagsunod sa Solid Waste Management Law para masigurong hindi tinatapon sa tubig ang mga basura mula sa kani-kanilang mga lugar.

Sumama rin sa clean-up ang mga tauhan ng Maynilad at Manila Water. Panawagan ni Villar na pagandahin ang waste water recycling facilities nila para hindi napupunta sa dagat ang mga gamit na tubig.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.