2-anyos na bata, inatake ng 20 aso sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 03:25 AM

Isang 2-anyos na batang lalaki ang kinagat at kinalmot umano ng 20 aso sa Tagkawayan, Quezon nitong Miyerkoles.

Isang 2-anyos na batang lalaki ang kinagat at kinalmot umano ng 20 aso sa Tagkawayan, Quezon nitong Miyerkoles.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng ABS-CBN News, nangyari ang pag-atake sa bata ala 1:00 ng hapon sa Barangay Magsaysay.

Nakapasok umano ang bata sa bakuran ng katabing-bahay kung saan nandoon ang mga aso.

Nasa Manila daw ang may-ari ng mga aso kaya ipinagbilin sa isang kabarangay ang mga hayop.

Ayon sa mga doktor ng biktima, tinurukan na ng anti-rabies at anti-tetanus ang bata.

Nag-petisyon na ang mga kapitbahay at kabarangay ng biktima laban sa may-ari ng mga aso.

- Ulat ni Mae Pulvinar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.