Lalaki bugbog-sarado, huli sa pagnanakaw ng kuntador ng kuryente | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki bugbog-sarado, huli sa pagnanakaw ng kuntador ng kuryente

Lalaki bugbog-sarado, huli sa pagnanakaw ng kuntador ng kuryente

ABS-CBN News

Clipboard

Isang lalaki ang timbog at bugbog-sarado pa matapos mahuling nagnakaw ng kuntador ng kuryente sa Novaliches nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa kuha ng CCTV, makikita si Ely Sabarro at kaniyang kasamang si alyas "Choot-Choot" na tila nagmamasid-masid sa isang motor shop sa Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Ilang minuto pa, naglakad ang dalawa palapit sa shop at matapos ang humigit kumulang 30 minuto, tumatakbong lumabas ang mga kawatan tungo sa magkaibang direksiyon.

Nagtungo si Sabarro sa direksiyon pa-palengke at dito naharang siya ng motorsiklo, at saka kinuyog ng taumbayan.

ADVERTISEMENT

Ang ending, maga ang bahagi ng pisngi at mata ng kawatan dahil sa tinamong gulpi.

"Para may pera po. Kailangan ko rin ng pera pangpadala ko sa anak ko sa Samar, nag-aaral eh," ayon sa suspek.

Natunugan ang krimen dahil habang nanonood ng pelikula ang caretaker ay biglang namatay ang ilaw ng binabantayang shop.

Pagsilip niya, nakita niyang baklas na ang fuse box at pinuputol na ng dalawang lalaki ang kuntador.

"Ibebenta nila 'yung kuntador, at the same time 'yung wire kasi tanso po 'yun 'pag binalatan. Pagkakaperahan din nila 'yun," paliwanag ni Senior Inspector Randy Llanderal, hepe ng Quezon City Police District Station 4.

ADVERTISEMENT

Maraming tindang motorsiklo sa loob kaya't posible raw na inuna lang ng dalawa na nakawin ang kuntador.

Mahaharap sa kasong theft si Sabarro habang hinahanap pa si Choot-Choot.

Inaalam pa rin ang buong halaga ng lahat ng nanakaw, maging mga nasirang wiring sa shop.

—Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.