Guwardya nagbalik ng naiwang bag na may P100,000 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guwardya nagbalik ng naiwang bag na may P100,000

Guwardya nagbalik ng naiwang bag na may P100,000

Diana Lat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 19, 2018 09:18 AM PHT

Clipboard

Masayang nagpalitrato sa isang guwardya ang may-ari ng naiwang bag na isinauli niya. Larawan mula kay Aprilyn Poquez, ABS-CBN News

PUERTO PRINCESA, Palawan - Ibinalik ng isang guwardya sa turista ang bag na may lamang P100,000 na naiwan nito sa isang simbahan sa lungsod na ito, Miyerkoles.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang turista na inilapag ang kaniyang bag sa upuan sa Immaculate Conception Cathedral nang magpa-picture siya at ang mga kasamahan. Umalis ang turista nang hindi namamalayang naiwan ang kaniyang gamit.

Makalipas ang 20 minuto, napansin ng guwardiyang si Joseph Carungit ang bag.

Nang buksan ito, tumambad sa kaniya ang P100,000 na cash, ilang ATM cards at passport. Nangibabaw kay Carungit ang pagiging tapat kaya itinabi niya ang bag upang mabalikan ng may-ari.

ADVERTISEMENT

"Binilinan ko po yung mga naglilinis dito, kung may naghanap sa akin, may naghanap ng bag, nandito lang sa akin," kuwento niya.

"Kasama po sa trabaho namin 'yun, serbisyo po talaga po 'yun. Natural lang po na ibabalik talaga," dagdag ng guwardya.

Bumalik kinalaunan ang may-ari na nagbigay ng kaunting pabuya sa guwardya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.