Bahay natabunan ng lupa sa Baguio | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahay natabunan ng lupa sa Baguio
Bahay natabunan ng lupa sa Baguio
Micaella Ilao,
ABS-CBN News
Published Jul 19, 2018 08:03 PM PHT

BAGUIO CITY – Natabunan ng lupa ang isang bahay sa Barangay Bakakeng Sur sa lungsod na ito Miyerkoles ng gabi dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ayon sa may-ari na si Mark Padcayan, naunang gumuho ang lupa sa taas ng kanilang bahay at pagkatapos ng 30 minuto, tinamaan na ng pagguho ang kanilang tahanan.

Walang tao sa bahay nang mangyari ang insidente.

Tanging mga gamit sa kusina lang ang naisalba. Nakitira muna sa kapitbahay si Padcayan. Nasa probinsiya ang anak nito at nasa Maynila naman ang misis.

Sa Kennon Road, gumuho ang driveway ng Department of Health (DOH) Cordillera dahil sa road widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Baguio.

Nasira ang daan kaya hindi makapasok ang mga sasakyan.

Agad namang inayos ng DPWH ang nasirang kalsada.

Sa buong Cordillera, pito ang naitalang pagguho dahil sa patuloy na pag-uulan na sanhi ng hanging habagat na pinakalas ng bagyong Inday.

Ayon sa PAGASA, patuloy na makararanas ng pag-uulan ang rehiyon hanggang sa Sabado.