Mga guro sumugod sa Kamara para ipanawagan ang dagdag-sahod | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga guro sumugod sa Kamara para ipanawagan ang dagdag-sahod

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Jul 18, 2022 01:30 PM PHT

Isang linggo bago ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sumugod sa Kamara ang grupo ng mga guro para ipanawagan na itaas na ang kanilang sahod.

Bitbit ang mga bell, placard, at 2 naglalakihang ballpen, nag-picket sa labas ng south gate ng Batasang Pambansa sa Quezon City ngayong Lunes ang mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Simbolo anila ang 2 ballpen ng kanilang hiling na dagdag-suweldo ng mga guro at doble-budget sa sektor ng edukasyon.

Ayon sa grupo, bumilis na ang inflation, nagmahal ang presyo ng petrolyo at bagsak ang halaga ng piso kaya panahon na para taasan ang pasahod sa mga guro.

ADVERTISEMENT
Dagdag ni ACT Chairperson Vladimer Quetua, tanging mga pulis at sundalo ang nadoble ang sahod habang napag-iwanan ang mga guro.

Maliban sa taas-sahod, hirit din ng ACT na madoble ang school maintenance and operating budget para magamit sa pagsisimula ng School Year 2022-2023, kung saan pinaghahandaan na rin ang pagbabalik ng full face-to-face classes.

Nanawagan naman si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa kaniyang mga kapwa mambabatas na gawing prayoridad ang pagpasa sa House Bill (HB) 203 para sa dagdag-suweldo ng mg guro at HB 1783 para itaas ang education budget sa 6 porsiyento ng gross domestic product ng bansa.

"Overdue na talaga itong sapat na sahod para sa ating mga guro. Nakita naman nila ang mga nurse, pulis at sundalo, tumungtong na sa at least P35,000 ang suweldo pero ang mga kawawa nating kaguruan, nagsa-suffer pa rin ng social injustice dahil sa liit ng suweldo," ani Castro.

Ayon sa ACT, simula pa lang ang kanilang protesta ngayong Lunes at magbabalik sila sa unang SONA ni Marcos sa susunod na linggo para mangalampag.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
teachers
salary
sahod
protest
Kamara
House of Representatives
Alliance of Concerned Teachers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT