Bagong kuweba sa Laguna, nadiskubre | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong kuweba sa Laguna, nadiskubre

Bagong kuweba sa Laguna, nadiskubre

ABS-CBN News

Clipboard

Natuklasan ng mga kawani ng DENR Calabarzon kamakailan ang Pinagdaop Cave, isang bagong kuweba sa Sta. Maria, Laguna. DENR Calabarzon/handout
Natuklasan ng mga kawani ng DENR Calabarzon kamakailan ang Pinagdaop Cave, isang bagong kuweba sa Sta. Maria, Laguna. DENR Calabarzon/handout

MANILA — Isang bagong kuweba ang nadiskubre ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa bayan ng Sta. Maria, Laguna.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Calabarzon, pag-aaralan na nila at isasalilalim sa analysis kung paano magkakaroon ng tamang pangangasiwa, pangangalaga at pagkonserba ng mga likas yaman at buhay-ilang na matatagpuan sa loob at labas ng kuweba.

Tinatawag ito ng mga lokal na Pinagdaop Cave na matatagpuan sa kabundukan sa Brgy. Cueva.

Ang Pinagdaop Cave ay isang uri ng kweba na kung saan ang mga lagusan nito ay nalikha sa pagitan ng mga bato na nakasalansan sa mga dalisdis ng bundok at may elevation na 514 meters above sea level.

ADVERTISEMENT

Sa pagsusuri ng DENR, naitala na 4.39 meters ang pinakamalawak na daan sa loob ng kweba, habang 0.64 meter naman ang pinakamakitid.

Bago ang pagkatuklas ng DENR, napag-alaman nila na mayroon nang mga aktibidad na nangyayari sa kuweba, sa kabila ng pagiging bahagi nito ng protektadong lupain alinsunod sa Presidential Proclamation 1636.

May mga nakita kasing mga istruktura at aktibidad sa kuweba tulad ng paglalagay ng kahoy na hagdan sa labasan nito; paglalagay ng konkretong sahig sa loob, at pagtitirik ng kandila na naging banta hindi lamang sa kweba, kundi maging sa wildlife na naninirahan dito.

Bilang rekomendasyon, isasailalim ang Pinagdaop Cave sa Class 1 category; ibig sabihin, mapanganib ang kondisyon nito dahil sa maselan at marupok na mga geological formation.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang CENRO Sta. Cruz sa lokal na pamahalaan ng Sta. Maria para sa tamang pangangasiwa at pagpaplano ng mga gawain na makakatulong sa pagsasaayos at pagprotekta ng Pinagdaop Cave.

—Ulat ni Ronilo Dagos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.