Eksperto nagbabala sa mga gumagamit ng viral na FaceApp
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eksperto nagbabala sa mga gumagamit ng viral na FaceApp
ABS-CBN News
Published Jul 18, 2019 06:34 PM PHT
|
Updated Jun 19, 2020 12:04 AM PHT

Nagbabala ang isang eksperto sa paggamit ng image application na FaceApp sa umano’y terms and conditions na nakasaklaw rito.

Tampok sa FaceApp, na umano'y pakana ng ilang Russian developers, ang feature na nagpapatanda sa hitsura ng gagamit nito.

Ilan lamang sa gumamit ng app na ito ay sina NBA superstar LeBron James, celebrity chef Gordon Ramsay, at sina Nick, Joe, at Kevin Jonas ng bandang Jonas Brothers.

Babala ng technology editor na si Art Samaniego, nakasaad sa terms and conditions ng app na pinapayagan ng user ang developer na magkaroon ng access sa personal na retrato at datos nila.

"Ibig sabihin noon puwede nilang gawin lahat tungkol sa in-upload mong picture, i-edit, ibenta. At wala kang magiging reklamo doon dahil nasa privacy policy nila na in-approve mo noong ginamit mo 'yung app," ani Samaniego.

Ipinaalala rin ni Samaniego na mag-ingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon sa iba pang apps sa social media gaya ng lokasyon, birthday, at phone number o mga detalye tungkol sa mahal sa buhay.

Maaari umano kasi ito humantong sa pagnanakaw ng detalye.

"Puwedeng manakaw 'yung data mo at magpanggap silang ikaw. So nangyayari ito sa social media sa pamamagitan ng pagnakaw ng data tungkol sa 'yo," aniya.

"So pangalan mo, birthday mo, middle name mo, pangalan ng magulang mo. 'Pag nakuha iyan, puwede nang manakaw iyong identity mo," dagdag niya.

Sumulat na rin si US Senate Minority Leader Chuck Schumer sa Federal Bureau of Investigation at Federal Trade Commission para imbestigahan ang FaceApp. Banta raw kasi ito sa seguridad ng milyon-milyong tao.

Naglabas naman ng pahayag ang FaceApp sa pamamagitan ng ilang website gaya ng TechCrunch at nilinaw na inaalis nila ang uploaded photo pagkatapos nang 48 oras.

"Most images are deleted from our servers within 48 hours from the upload date," anila.

"We accept requests from users for removing all their data from our servers. Our support team is currently overloaded, but these requests have our priority," dagdag nila.

Hindi raw nila ito ibinebenta sa iba o third party entities at hindi nila ina-access ang iba pang data ng gumamit ng app.

Giit pa nila na hindi nila ina-access ang iba pang retrato ng user maliban lamang sa tanging retrato na ginamit sa app.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
FaceApp
viral
social media
privacy
data privacy
terms and conditions
app
application
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT