Babae, natagpuang patay sa tabing-ilog sa QC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, natagpuang patay sa tabing-ilog sa QC

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Isang babae ang natagpuang patay sa tabing-ilog ng Lorraine St., Parkway Village sa Brgy. Apolonio Samson sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Ayon sa nakakita na si Samuel Balatong, nangangalakal siya ng basura sa may ilog pasado alas-3 ng madaling araw nang makita niya ang bangkay sa pampang.

"Nagulat po ako may nakita akong nakaganoong siko. Akala ko po yung lagayan ng damit sa mall. Pagtingin ko, tao kasi may bracelet na silver eh," ani Balatong.

"Parang tumaob na nakatagilid. Umakyat po ako, tumakbo agad papuntang barangay," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa barangay, hindi pa matukoy kung taga-saan ang babae dahil walang nakakakilala rito.

Posibleng inanod umano ang bangkay mula sa ibang lugar.

Iniimbestigahan ng Quezon City Police Station 1 ang pangyayari.

— Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.