TINGNAN: Bahagi ng Manila Bay tambak ng basura matapos umulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Bahagi ng Manila Bay tambak ng basura matapos umulan

ABS-CBN News
Published Jul 17, 2019 11:24 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
PANOORIN: Ilang parte ng Manila Bay, tambak ulit ng basura matapos ang malakas na pag-ulan. Mga tauhan ng Department of Public Services ng City Hall, sinimulan na ang paghahakot ng mga basura sa dagat. pic.twitter.com/L5LP7QDxRS
— Johnson L. Manabat (@JohnsonManabat) July 17, 2019

Kasunod ng pagbuhos ng ulan magdamag, tambak ulit ng basura ang ilang parte ng Manila Bay sa Maynila nitong Miyerkoles.

Kalimitang naiipon ang sangkaterbang basura sa gilid ng US Embassy na sumasabay sa hampas ng alon sa breakwater ng Manila Bay.

Karamihan sa mga ito ay mga kawayan at kahoy na sinasabing inaanod lamang sa baybayin mula sa ibang mga lugar.

Sinimulan na ng mga tauhan ng Department of Public Services (DPS) ng lokal na pamahalaan ang paghahakot ng mga basura mula sa dagat.

Sako-sakong basura din ang nahakot na mula sa dagat at pinagsama-sama sa Baywalk.

Ayon sa mga tauhan ng DPS, posibleng matatagalan pa bago tuluyang malinis ang basura dito na hindi malayong matambakan ulit ng basura kapag nagkaroon muli ng malakas na ulan dahil narin sa habagat at bagyo.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT