'Mura na, marumi pa': Dugyot na katayan sa Tondo, ipapaayos ni Isko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Mura na, marumi pa': Dugyot na katayan sa Tondo, ipapaayos ni Isko

Michael Joe Delizo,
ABS-CBN News
Published Jul 17, 2019 11:44 AM PHT
|
Updated Jul 17, 2019 01:05 PM PHT

MAYNILA — Personal na nagsagawa ng ocular inspection si Manila Mayor Isko Moreno sa slaughterhouse sa Vitas, Tondo para sa plano niyang rehabilitation program sa lugar.

Papasok pa lang sa compound, baha at trapik agad ang mga problemang sumalubong sa alkalde.

Dugyot, madumi, at mabaho naman ang katayan nang maabutan niya, habang tambak ang basura at maputik ang holding area na kinaroroonan ng mga hayop na nakatakdang katayin.

Manila Mayor Isko Moreno, bumisita sa slaughter house at komunidad sa Vitas, Tondo para sa planong rehabilitasyon pic.twitter.com/swlS4xE6XM
— Michael Joe Delizo (@michael_delizo) July 17, 2019

“Tingnan mo ang mga baka natin oh, mura na marumi pa,” sabi ni Moreno. “Talagang kahabag-habag naman ang sitwasyon dito.”

ADVERTISEMENT
Ang naturang slaughterhouse ay ang pangunahing katayan ng mga baka, kalabaw, at kabayo sa Maynila.

Gusto ng mayor na maayos ang pasilidad ng slaughterhouse at magkaroon ng modernong animal care facilities sa Vitas na makakapasa sa panuntunan ng mga kaukulang ahensya.

Nakatakdang matapos ang plano sa susunod na taon.

“What we are after is that the people of Manila who will buy meat ay binibigyan ng kasiguraduhan na ang mga karneng ito ay malinis ang pamamaraan ng pagkatay,” ani Moreno.

Bukod sa slaughterhouse, sasailalim din sa rehabilitasyon ang residential area sa Vitas, partikular ang 27 lumang housing building na delikado na umanong tirhan matapos mag-extend ng shanty ang mga residente sa rooftop.

Nasa 4,000 hanggang 5,000 ang bilang ng mga residente sa area.

Tanggap at ikinatuwa naman ng ilang residente ang plano sa kanilang komunidad.