Pagdaong ng barko sa pantalan naunsiyami sa lakas ng hangin

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 09:20 AM

Nagsagawa ng rescue operation ang Maritime Police at Philippine Coast Guard sa 16 crew at 63 pasahero ng Super Shuttle Ferry 1 matapos na mapadpad sa katapat na Lapinig Islet ang barko sanhi ng malakas na hangin. Larawan mula sa Misor Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

BALINGOAN, Misamis Oriental - Sa katapat na maliit na pulo ng Lapinig napadpad ang isang barko na dapat sanang dadaung sa pantalan ng bayan ito Lunes ng hapon.

Dahil sa malakas na hangin at low tide hindi na naka-maneobra pa ang Super Shuttle Ferry 1 ng Asian Marine Transport Corporation mula Camiguin.

Sinubukan pang hilahin ng ibang barko ang ferry pero hindi ito nagtagumpay dahil sa low tide at naputol rin ang ginamit na lubid.

Nag-desisyon na ang Maritime Police at Coast Guard na i-rescue ang 16 crew at 63 pasahero ng barko gamit ang bangka habang iniwan muna sa barko ang anim na rolling cargoes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.