Kumbento nasunog sa Tondo; pari nanakawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Kumbento nasunog sa Tondo; pari nanakawan

Kumbento nasunog sa Tondo; pari nanakawan

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nasunog ang kumbento ng mga pari ng St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo sa Maynila, Linggo ng umaga.

Nanakawan din ang isang pari sa kasagsagan ng pagresponde sa nasunog na gusali sa Juan Luna Street.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng kumbento dakong alas-3:28 ng umaga.

Agad itinaas ang ikatlong alarma sa sunog dahil yari sa kahoy ang kumbento. Naapula naman ang apoy sa loob ng isang oras.

ADVERTISEMENT

Tinatayang P100,000 ang halaga ng mga napinsala.

Walang nasaktan sa insidente at hindi rin naapektuhan ang pang-umagang misa, pero nanakawan ang isa sa mga pari sa gitna ng pag-apulasa apoy.

Ayon kay Father Dominic Ngo Anh Quoc, isang Vietnamese national, nawalan siya ng nasa P50,000 cash, laptop computer, cellphone at ilang piraso ng Vietnamese dong o currency.

Tumanggi siya na ipa-blotter sa pulisya ang insidente dahil ang mahalaga anya ay ligtas sila sa kumbento.

Naririto sa Pilipinas ang pari para mag-aral.

Samantala, isang 20-anyos na lalaking nakikalang si Paul Jasper Montalban ang inaresto dahil sa lasing umano ito at nanggulo sa mga bumbero.

Sinasabing sinita ng mga pulis si Montalban pero sa halip na magpa-awat ay nanlaban pa.

Ikinulong na siya at kakasuhan ng direct assault. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.