Ruta ng PNR mula Biñan hanggang Alabang, pansamantalang nagsara na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ruta ng PNR mula Biñan hanggang Alabang, pansamantalang nagsara na

ABS-CBN News
Published Jul 16, 2023 10:42 AM PHT

MANILA — Pansamantalang nagsara na ngayong Linggo ang ruta ng Philippine National Railways (PNR) mula Biñan, Laguna hanggang Alabang sa Muntinlupa para sa konstruksyon ng North South Commuter Railway (NSCR) project.

Madaling araw nang dumating sa Alabang station ang huling biyahe ng nasabing ruta.

Pasado alas-5 ng umaga umalis ng Biñan ang tren at nakarating ng Alabang station bago mag-6 sais ng umaga.

Pero walang pasaherong bumaba sa Alabang station at posibleng sa susunod na mga istasyon na sila bumaba.
Pero walang pasaherong bumaba sa Alabang station at posibleng sa susunod na mga istasyon na sila bumaba.
ADVERTISEMENT
Sábado ng gabi naman ang pinakahuling biyahe ng PNR sa rutang Alabang – Biñan.

Ayon sa ibang pasahero ng tren ngayong Linggo, mahihirapan ang mga apektadong komyuter sa pagtigil ng rutang Alabang-Biñan.

"Nahihirapan po... kasi mura ngayon ang ano (train) kaysa mag-commute ka ng bus," ayon kay Arlina Fuasan.

"Mas mapapamahal sila sa pamasahe at mas matatagalan ang biyahe nila compared dito sa kapag gumamit tayo ng tren," sabi naman ni Rommel Lucas.

"Malaking abala po sa mga papasok sa trabaho kaya sasakay na lang po ng bus o kaya jeep," sabi pa ni Markdavid Mindo.

"Ang alternative na masasakyan po kasi mga bus lang, eh masyado po kasing traffic, parang hassle po sa mga pasahero," ani Rochell Pingco.

Isinara ang rutang Biñan-Alabang-Biñan dalawang linggo matapos ding ipasara ng PNR ang ruta nito mula Alabang hanggang Calamba, Laguna.

Inaasahang tatagal ng lima hanggang anim na taon ang konstruksyon ng NSCR.

Ang NSCR ay ang modernong 147-kilometrong rail system na may inaasahang 35 istasyon, at 51 na train sets para maglulan ng mga pasahero, bukod pa sa pitong express train sets para sa mas mabilis na byahe.

Higit 600,000 pasahero ang inaasahang gagamit ng train system na ito araw-araw, ayon sa PNR.

Una nang humingi ng paumanhin ang PNR sa mga apektadong pasahero at ipinaliwanag na ang proyekto ay bahagi ng modernisasyon ng train system ng bansa.

KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
PNR
Philippine National Railways
Muntinlupa
Alabang
Biñan
Laguna
Binan
Binan Alabang
North South Commuter Railway
NSCR
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT