Bed capacity sa mga ospital pinadadagdagan dahil sa banta ng Delta variant | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bed capacity sa mga ospital pinadadagdagan dahil sa banta ng Delta variant

Bed capacity sa mga ospital pinadadagdagan dahil sa banta ng Delta variant

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 16, 2021 09:02 AM PHT

Clipboard

Creative rendition of SARS-CoV-2 virus particles. NIAID

MAYNILA—Pinaghahanda na ng Department of Health ang mga pampubliko at pribadong hospital sa posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

"Dahan-dahan namin pina-upgrade at expand 'yung hospital facilities," ani Health Undersecretary Leopoldo Vega sa panayam sa Teleradyo Biyernes.

"In fact, we have mandated private hospitals to at least have an allocated beds of . . . 20 percent, and for a possible surge, if they can possibly move towards 30 percent.

"Sa mga government hospitals naman, they should have 30 percent. If there's a surge, probably more than 50 percent."

ADVERTISEMENT

Una nang sinabi ng ahensiya na hindi nawawala ang posibilidad na makapasok sa Pilipinas ang Delta variant, na ngayo'y kalat na sa maraming bansa. Ramdam ngayon ang matinding epekto ng Delta variant sa Malaysia at Indonesia.

Noong Miyerkoles, pinalawig pa ng Pilipinas ang travel ban sa mga biyahero mula sa ilang bansa para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant dito.

"Since last year, we have already doubled up our intensive care units both in the public and private, totaling to almost 1,800. Before it was just 700 plus," aniya.

Nakapagtayo na rin ang gobyerno ng mga modular hospital sa Metro Manila at ibang lalawigan kung sakaling mapupuno ang ibang ospital dahil sa dami ng pasyente.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang Pilipinas ng 5,221 dagdag na kaso ng COVID-19 para sa kabuuang 1,490,665 kumpirmadong kaso, kung saan 45,495 ang active cases o may sakit pa rin.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.