State of calamity idineklara sa South Cotabato dahil sa dengue | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

State of calamity idineklara sa South Cotabato dahil sa dengue

State of calamity idineklara sa South Cotabato dahil sa dengue

ABS-CBN News

Clipboard

KORONADAL CITY - Idineklara ang state of calamity sa South Cotabato kasunod ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan.

“Tatlo sa aton nga (ating) mga bayan have already declared state of calamity, so it is automatic na nasa state of calamity ang buong province," ayon kay Gov. Reynaldo Tamayo Jr.

Umabot na sa 18 ang namatay dahil sa dengue sa lalawigan, habang nasa 3,348 kaso na ang naitala.

Tinukoy ang mga bayan ng Norala, Sto. Niño at Tampakan bilang pinakamaraming kaso ng dengue.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Dr. Alah Baby Vingno, assistant provincial health officer ng South Cotabato, lumagpas na sa epidemic threshold ang mga kaso ng dengue.

“We are strengthening the search and destroy campaign natin. Araw-araw na tayong nagmo-monitor sa dengue cases natin kasi talagang mataas na 'yung kaso ng dengue sa province," aniya.

Ayon kay Tamayo, gagamitin ang calamity fund para tulungan ang mga lokal na gobyerno na ibaba ang kaso ng dengue sa 11 bayan sa lalawigan.

“We will buy medicines to augment the LGUs (local government unit) kasi sigurado kukulangin ang kanilang pondo. We will make sure na makakarating ang tulong sa kanila," ani Tamayo.

Nagdeklara ang Department of Health ng national dengue alert noong Lunes dulot ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa iba't ibang rehiyon.

-- Ulat ni Jay Dayupay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.