Pinoy, 8 Chinese timbog sa kidnapping sa Parañaque | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy, 8 Chinese timbog sa kidnapping sa Parañaque

Pinoy, 8 Chinese timbog sa kidnapping sa Parañaque

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 16, 2019 08:06 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang 8 Chinese at isang Pilipino dahil sa pagdukot umano ng mga Tsino sa casino sa Parañaque.

Kinilala ang Pinoy bilang si Jomar Demadante, at mga Chinese national bilang sina: Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin, at Jun Wang.

Ayon sa National Bureau of Investigation, nakatanggap sila ng reklamo mula sa ilang Chinese national, kabilang ang asawa ng isa sa mga biktima na sapilitang tinangay ng hindi pa kilalang mga suspek.

Ayon sa asawa ng biktima, tinangay ang kaniyang mister mula sa isang kilalang hotel and casino complex sa Parañaque at dinala sa isang bahay sa Las Piñas City.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, pawang mga player sa casino ang 8 biktima na nadiskubreng talo sa paglalaro at pinautang ng mga suspek kapalit ng doble o tripleng interest.

Base sa kanilang imbestigasyon, inutusan umano ng mga suspek ang mga biktima na tawagan ang kanilang mga kaanak at hinihingan ng P2 milyon para sa kanilang kalayaan.

Nagawang makatawag ng isa sa mga biktima sa kaniyang pinsan sa China na nagpadala ng P500,000.

Pero hindi umano agad pinalaya ang biktima hanggang sa hindi pa nakukumpleto ang kabuuang halaga na hinihingi ng mga suspek.

Pinatawag ulit ng mga suspek ang biktima sa kaanank nito kaya dito na nakagawa ng paraan ang biktima na ipadala sa kaniyang misis ang kaniyang lokasyon sa pamamagitan ng GPS.

Ayon sa NBI, ang Pinoy ang nagsisilbing bantay ng bahay na nagsilbing safehouse ng mga suspek.

Narecover mula sa Pinoy na suspek ang isang baril.

Isinalang na sa inquest proceedings ang mga suspek para sa kasong kidnapping at serious illegal detention at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.