PANOORIN: Estudyante dinukot, isinakay sa pickup sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 03:05 PM

MANILA - Nakuhanan ng surveillance camera ang puwersahang pagsasakay ng isang estudyante sa isang pick-up truck sa kanto ng Taft Avenue at Padre Faura Street sa Maynila, Martes.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagdaan ng lalaking driver ng Ford Ranger sa Taft Avenue bago niya kaladkarin at isakay ang lalaking estudyante sa northbound lane.

Nagpaputok pa ng baril ang suspek, ayon sa ilang testigo.

Naglatag na ng checkpoint ang pulisya sa lungsod.

Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.